May mas e-exciting pa ba ang sumakay sa LRT? Very adventurous ang pagsakay. Walang katulad. No words can describe the feeling. Nakatuwang isipin na minsan sa pagsakay ko sa LRT, may matutunan akong nakakatutuwa. Parang sa tuwing iisipin ko na kailangan kong sumakay ng LRT, pagod at hirap ang mararanasan ko. Pero sa pagkakataong ito, hindi pagod at hirap ang naranasan ko; paghanga! Paghanga sa lakas at tibay ng loob sa kanyang paniniwala, lakas at tibay sa kanyang nararamdaman, lakas at tibay sa kanyang pagmamahal. Pauwi na ako sa bahay from work. Pagsakay ko ng EDSA Station, karipas ako ng takbo sa vacant seats para makaupo agad kasi sa station na ito, maraming sumasakay at konti na lang lagi ang vacant seats. Buti na lang, bata pa lang ako, palagi na akong tumatakbo kaya ayun, naunahan ko silang lahat at nakaupo ako. Napuno na agad ang tren, so medyo masikip na at marami na talaga ang nakatayo. Then, as the train moves, nagulat ako biglang may malakas na boses. Lahat tuloy ng mga nakasakay tumitingin sa side kung saan nanggagaling yung malakas na boses. Pati ako napapatingin na sa side na yun. Pinapakinggan ko ng maayos yung sinasabi. Kaya lang medyo maingay sa loob ng tren. Malakas pero hindi ko talaga mainitindihan. Pinipilit kong intindihin ang mga salita. Ang mga naririnig ko lang ay, "kahit konti lang po" "nagugutom" "pahingi po" "pamasahe lang po".. Napaisip ako bigla, ano ang mga yun? Mga namamalimos? Grabe! Pati tren ay sinusugod na nila. Iba na talaga sila. Nakakaloka na sila. Sa isip ko nga ay sana inipon na lang nila ang pamasahe nila. Pinababayaan lang siya ng mga tao sa loob ng tren. Yung iba tuloy pa din sa kani-kanilang kwentuhan, tulugan, at tugtugan sa earphone. Kanya-kanyang business. Hanggang sa dumating kami sa Doroteo Jose Station. Marami na kasi ang bumaba, medyo lumuwag na at kita ko na si Ate na nagsasalita. Tuloy-tuloy lang siya sa pagsasalita. Hanggang sa may lumapit sa kanyang matandang lalaki at inabutan siya ng pera. Wow! Effective ang ginagawa ni ate. Pero dahil naririnig ko na siya ng maayos, iba pala ang hinihingi niya. Ang sabi ni Ate, "Pahingi lang po ng atensyon, sa lahat ng ng nagugutom at napapagod at nanghihina na sa kanilang buhay, lumapit lang kayo sa Panginoon at makakahanap kayo ng kapahingan sa Kanya." Nagulat ako! Akala ko namamalimos yun pala namamahagi ng Words of Wisdom and Encouragement. Napahanga ako, bakit? Kasi hindi ko kayang gawin ang kaya niyang gawin. Ang humarap sa maraming tao at ikalat ang Salita ng Diyos. Matapang si Ate, tunay na nakakahanga! Sigurado akong hindi lahat kayang gawin ang ginawa ni Ate. Ang humarap sa maraming tao, kasi takot tayo sa mga sasabihin ng iba sa atin. Kung paano tayo aapihin, lalaitin, sasabihan ng kung ano-anong salita. at pag-iisipan ng kabaliwan. Alam kasi natin kung ano gagawin ng iba sa atin kasi ganyan din tayo makitungo ng ibang tao. Natatakot tayong gawin sa atin ng ating kapwa. Kaya nga sabi sa golden rule, Do unto others as you would have them do unto you. We should keep record of what we do baka magulat na lang tayo ginagawa na sa atin ng ating kapwa. Kaya nga 'we should love one another'. I love you!
Also, we should stand for what is right. If it is right, wag tayong mahiya at matakot sa sasabihin nila, kasi in the first place kakampi natin si Lord. Share the Word. walang nakakahiya sa pagshare ng Salita ni Lord kasi ito naman talaga dapat ang ating gawin. Go and love one another! |
Coffee BreakIt is not the product that is important, it is the process that makes us worthy. Archives
January 2018
CategoriesShare Yours!Share your unforgettable experiences with us.
Your stories that are too good to forget. |